Flower Horn


Komento
Ang napakagandang isda na ito ay result ng mataas na uri ng paglalahi ng dalawang magkaibang uri ng isda sa pamilya ng cichlasoma species tulad ng C, Trimaculatus, C. Festae, Blood parrot fish at maaring may iba pa. Ang pinaka-magagadang uri ng ng isdang ito ay nalikha ng mga breeder na masigasig makalikha ng magandang lahi. Ang Flowerhorn ay nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon ng pagpili ng magagadang lahi upang makagawa ng isang kakaibang uri ng isdang ito.
Halos lahat ng breeder ay nagpupursige na makalikha ng flowerhorn na may mas malaking umbok sa ulo (nuchal hump), mas matingkad na kulay, mas malinaw na marka sa tagiliran, eleganteng mga fins at malalapad na katawan.
Akmang Tirahan
Ito ay napakatibay na isda at maaring magtagal sa uri ng tubig na pangkaraniwan hindi tugma sa uri ng isda. Ang kanilang pagiging matibay ang nagugustuhan ng mga nag-aalaga ng ganitong klaseng isda. Ang akmang pH ng tubig ay naglalaro sa pagitan ng 7-7.8ppm na may init ng temperature sa pagitan ng 75-80 deg. F. Kung ang inyong aquarium ay malamig, kinakailangan mo gumamit ng konbensyonal na heater (nabibili sa mga pets store). Ang sukat ng aquarium para sa isdang ito ay dapat na naglalaman ng higit kumulang sa 100 gals.
Kompatibilidad
Dahil ang flowerhorn ay napaka-teritoryal at agresibo. Malimit na hindi nila tinatanggap ang ibang isda lalo na sa hindi nila kauri at kadalasan kinakain nila ang maliliit na isda na magkakasya sa kanilang bibig. Marami ang nag-aalaga nilo na nagsasabi na nalalaro daw nila ang kanilang isda, subalit ang katutuhanan ay iniisip ng isda na ito na kaaway ang kamay na nasa kanyang teritoryo.
Nirerekomendang Pagkain
Ang flowerhorn ay hindi mapili kumain at ito'y nangangailangan ng maraming pagkain. Nirerekomenda ang mga pellet na ginawa para sa mga cichlid. Pinapayo rin na sila ay pakainin ng dalawang beses sa isang araw.Maari din silang pakain ng mga veggies at meaty foods.
Sukat at haba ng buhay
Ang flowerhorn ay mabilis na lumalaki ng hanggan 12 pulgada ang haba at may iba na humahaba hanggan 16 na pulgada. Sila ay nabubuhay ng 8 hanggan 10 taon kung mabibigyan ng akmang tubig at tamang pag-aaruga.
Ilan sa mga isdang pinagmulan ng Flowerhorn.
MIDAS RED DEVIL
Tags: fish profile flower horn red devil midas