Basic fishkeeping
October 22, 2008Paunang Salita:
Pangunahin sa pag-aalaga ng isda (Basic Fish keeping))
Ito ang isa sa pinaka mahalaga, ang panahon ng pagpaplano para sa isang matagumpay na Home Aquarium. Ang alamin kung ano ang iyong gusto at kung paano mo ito makakamit. Nais kong ipaalala na hindi ito ang kabuuan para sa pagkakaroon ng isang maganda at malusog na Home Aquarium..Ito ay ilan lamang sa mga tanong na dapat mo itanong sa iyong sarili.
- Mayroon ka bang partikular na isda na gusto ilagay sa iyong aquarium?
- Nais mo ba mag alaga ng tutuo at buhay na halaman?
- Nais mo ba lumikha ng natural na uring tirahan ng isda?
- Nais mo ba ang iyong aquarium ay alinsunod sa disenyo at arte ng iyong tahanan?
Sa pagiging malinaw at desidido sa simula ay iyong maaayos ang mga bagay na iyong kakailanganin.
Pasimula, isiping bumili ng higit na malaking tanke (aquarium) ayon sa iyong tahanan at kakayahan. Ang higit na malaking tanke ay may mas higit na benepisyo. Dahil ang higit na malaking tanke ay nagbibigay ng panatag na kapaligiran sa isda at ang pagbabago- bago sa kalidad ng tubig ( Ph, Temperature. Nitrates etc...) ay mapapanatiling banayad. Dito ay mabibigyan ka ng sapat na panahon alamin at harapin ang problema. At magkakaroon ka rin ng pagkakataon alamin kung anong uri isda ang nais mo ilagay.
Tubig (Water)
Ang kalidad at uri ng pinagmumulan ng tubig ay mahalaga sa pag dedesisyon sa kung anong isda ang nais mong alagaan. Ang lebel ng hardness, ph at nitrates ang importante. (sundan sa ibang paksa). Pumili ng isda na akma sa tubig na iyong gagamitin.
Karamihan ng isda ay nakaka-akma sa uri ng tubig, subalit, Halimbawa: tulad ng Wildcardinals, Discuss at Dwarf cichlids at hindi nagtatagumpay sa hard/alkaline (tapwater). Ang mahalagang panuntunan ay ang gawin ang iyong pagsasaliksik sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro at pag hahanap sa internet ng mga listahan ng isda na akma sa inyong suplay na tubig.
Maraming tao ang nalilimutan ang temperatura ng kanilang tubig. Karamihan ng isda ay nakaka-akma sa uri ng tubig subalit laging iisipin ang kanilang pangangailangan.. Halimbawa: ang mga uri tulad ng Danio at Corydoras ay nais ang mas malamig na tubig. (20-24°C / 68-75°F), habang ang mga uri ng isda tulad ng Angelfish, Discuss at ilang uri ng Pleco ay nais ang medyo mainit na tubig. (26-30°C / 79-86°F).
Ang pagpapanatili ng isda sa higit na mainit na tubig ay nagpapahina sa kanilang suplay na hangin (oxygen) nagpapaikli sa haba ng kanilang buhay. Ang pag lalagay sa isda sa higit na malamig na tubig ay nagpapataas ng kanilang kahinaan sa mga sakit.
Ang mga kompanya na nagsusuplay ng tubig ay siguradong nagkakabit ng Chlorine sa tubig upang ito’y linisin. Ang Chlorine ay sumisira sa hasang (gills) at balat ng isda at maaring makamatay sa isda. Dapat palagi itong i-neutralize ng Tapwater conditioner. Ang Chlorine ay Gas at maari din itong alisin sa pamamagitan ng aerate ng tubig sa loob ng 24 na oras. Marami sa kompanya ng tubig ngayon ay lumipat ng paggamit sa Chloramine para sa paglinis ng kanilang tubig. Tulad ng Chlorine ang Chloramine ay mapanganib din sa isda at hindi basta naaalis sa simpleng pag-aerate ng tubig lamang. Higit na makabubuti bumili ng pang-alis ng Chloramine sa inyo mga fish store.
(sumangguni sa kompanya ng inyong tubig)
Piltrasyon at kabuuan ng Nitrogen (Filtration at Nitrogen Cycle)
Ang Pilter (filter) ay ang sistemang suporta sa buhay ng inyong isda. Inaalis nito ang mga dumi ng isda (fish muck) na nakikita sa tanke at ang mga hindi nakikita (Invisible pollutant). Ang Biloholikal Pilters ay tumutulong upang makapagbigay ng kolonya ng bakterya (Beneficial bacteria). Ang mga bacteria na ito ang pumapatay sa mapaminsalang dumi ng isda at naglilipat sa mas mababang uri ng lason (toxic). Ang dumi ng isda ay mayaman sa tinatawag na Nitrogenous (Nitrogen based) compounds. Ito ay matatagpuan sa tanke sa tatlong magkakaibang uri.: Ammonia, Nitrite at Nitrate. Lahat ng ito ay hindi kinakailangan sa tanke subalit sa magkakaibang grado. (tignan sa ibaba).
AMMONIA
Direktang nagmumula sa dumi ng isda, patay na halaman at mga hindi nakain na pagkain.
Lubhang mapanganib sa isda kahit sa kakaunting dami.
Higit na mapanganib kaysa Alkaline Water
NITRITE
Mas hindi mapanganib tulad ng sa Ammonia, subalit nakakapinsala pa rin.
Pinatitigil ang isda sa paghinga sa pamamagitan ng pagpigil sa hangin (oxygen) makatuloy sa dugo.
NITRATE
Mas hindi mapanganib tulad ng nasa itaas, subalit maaring makaapekto sa immune system
Mabagal na paglaki at mahinang pag paparami kapag umabos sa mataas na lebel.
Sa pasimula ng tanke (aquarium), wala makikita sa mga benipisyal na bakterya kaya ang isda ay nasa mas delikadong kalagayan na malason ng kanilang sariling dumi. Kung kaya ang tanke ay dapat na buhayin. Ito ang tinatawag na “Cycling” Inaabot ng hanggang tatlong buwan bago tuluyang mabuhay ang tanke. Ang mahalagang bilhin ng nag-aalaga ay ang isang mataas na kalidad na pang-suri (test kit). Ang test kit ay mahalaga sa pag suri ng Ammonia, Nitrite, Nitrate at Ph. Masasabing mahal subalit lubos na makatutulong upang malaman ligtas na magkabit ng isda sa inyong tanke. Iwasan ang “panghuhula” sa pag-aalaga ng isda.
Ang isda ay lumilikha ng dumi sa porma ng Ammonia na siyang ginagamit ng bakterya sa pilter upang gawing sa porma ng Nitrite at ginagamit ng iba pang uri ng bakterya para gawing sa porma ng Nitrate. Ang mga bakterya na ito ay nabubuhay at dumadami sa kabuuan ng tanke subalit higit na matatagpuan ang madaming bilang nito sa loob ng pilter. Ang malaking bahagi nito ay ibinibigay ng Filter Media ( Pangkaraniwan ang foam at mga malambot na pansala sa dumi atbp…) sa patuloy na pagbibigay ng dumi ng isda at kaalinsabay ang suplay na hangi sa tubig (oxygen).
Sa panahon ngayon hindi na kailangan ang isda para sa ganitong uri ng paggawa dahil sa mga teknolohiya na higit na napaunlad. Sa paglalagay ng ammonia sa porma ng pagkain ng isda (fish food), at sa pag suri sa tubig araw araw ay makakasigurong buhay na ang inyong bihilohikal pilter bago magkabit ng isda. Mayroon paunang pagtaas ng lebel ng Ammonia na susundan ng pagtaas ng Nitrite at susundan ang pagtaas ng Nitrate. Mapapanatili ang konsentrasyon ng ammonia sa 2-3ppm (parts per million) o (mg/l) sa pamamagitan ng pagdagdag sa pagkain ng isda kung kinakailangan. Kapag ang antas ng inyong Ammonia/Nitrite ay bumaba na ang Nitrate ay tumataas (pangkaraniwan makalipas ang 6 na linggo). Gawin ang 25% pagpapalit ng tubig at magkabit ng ilang bilang ng panimulang isda. Mag lagay lamang ng ilan bilang sa bawat pagkabit, maingat na pakainin ang isda at subaybayan ang antas ng ammonia/nitrite/nitrate araw-araw. Kapag nagkaroon ng pagtaas ng ammonia panatilihin ang pagpapalit ng 25% ng tubig at kung maayos na ang lahat saka magdagdag ng ilang bilang lamang sa kada linggo.
Ang proseso ng pag Cycle ay higit na matutulungan ng pagkuha ng dumi o ng lumang pilter foam mula sa establisyadong tanke (aquarium). Ito ang magbibigay lakas upang mapabilis na makabuo ng kolonya ng kailangan bakterya. Iwasan lamang magkabit ng mga bagay na mula sa tanke na kasalakuyang may problema sa sakit. May mga naka botelyang alagang bakterya na nabibili sa mga fish store subalit ito ay limitado sa kakayanan at madalas hindi lubhang epektibo.
Kapag ang tanke ay lubusan ng buhay, lahat ng ammonia na galing sa dumi ng isda ay mabilisang kakainin ng bakterya. Ang dami ng bakterya sa inyong tanke ay nasa lebel ng dami ng isda. Ang pagkakabit ng madaming isda sa isang pagkakataon ay nangangahulugan sa bakterya na hindi makapagparami sa madaling panahon at ang mapanganib na pagtaas ng ammonia ang magiging resulta. Kapag ang pilter ay maliit, hindi ito makapagbibigay ng sapat na lugar para mamahay ang sapat na dami ng bakterya na kakailanganin sa dami ng isda. At ang resulta, ang pangkaraniwang problema ay ang nag-aalaga sa hindi pagbibigay ng sapat na piltrasyon para sa dami ng mga alagang isda.
Sa pagpili ng pilter, muli, mas malaki mas mabuti. Ang mas malaki ay makakatulong sa posibleng maling mangyayari ( tulad ng sobrang pagkain o mga hindi napapansin patay na alagang isda). Samantala, marami sa mga isda na hindi ibig ang malakas na pag-daloy ng tubig, maari pa rin gumamit ng mas malaking pilter sa pag aalis lamang ng spraybar o sa paglalagay sa daloy ng tubig sa gilid ng tanke. Sa kasalukuyan, ang pinakamabisang Pilter para sa pangkarinawang Tropical Aquarium ay ang External “Power” Filter. Ang pilter na ito ay may malaking bilang ng media, mas nababagay at gumagamit lamang ng maliit na espasyo sa tanke kaysa sa Internal Power Filter. Ang Internal power filter samantalang mas madalas na gamitin, ito ay madaling magbara at kakaunti ang bilang ng filter media. Kahalintulad ng air-powered box/sponge filter, ang internal power filter ay maari sa maliit na dami ng isda o sa breeding tank. Undergravel Filter plates sa tulong ng powerhead ay hindi gaano sikat subalit epektibo. Ang taas na gravel bed (7-10cm) ay nagagamit na daan para sa kolonisasyon ng bakterya. Samantala ang maugat na halaman ay pangkaraniwang hindi yumayabong sa ganitong paraan ng piltrasyon.
Pagpapaganda sa Aquarium (Aquarium Decoration)
Ang higit na dahilan ng pagdedekorasyon sa tanke ay para sa mas maayang pag tingin at sa pagbibigay ng tamang kapaligiran sa isda. Marami ang may aquarium ang hindi malikhain sa kanilang disenyo o pangkaraniwang nang napapabayaan. Ang pinakamabuting gawin ay muling bumalik sa tanong na “ Bakit gusto mo ng Aquarium” kung ang aquarium ay para sa partikular na isda, bakit hindi idesenyo ang tanke para sa isda at sa kanyang pangangailangan. At kung ang tanke ay upang maging isang rin dekorasyon sa bahay siguruhin lamang na ano man isda ang inyong alagaan ay magiging masaya sa kanyang kapaligiran.. (Happy fish is a Healthy fish).
Ang ilalim ng tanke ay tinatawag na subtrate. Maging maingat sa pagdedesisyon mula sa panimula dahil ang pagpapalit ng subtrate ay lubhang mahirap kapag may nakalagay ng isda. Madami ang gumagamit ng 4-8mm pea gravel subalit maraming mapagpipilian. (sundan sa ibang paksa) subalit kung hindi kailangan ang halaman maari lamang gumamit ng sapat na dami ng subtrate para takpan ang ilalim ng tanke. Ang higit sa isang or dalawang sentimetro gravel ang nabubunga ng karagdagan hirap sa paglilinis.
Ang buhangin (fine sand) ang subtrate na madalas iwasan ng mga nagsisimula pa lamang subalit sa katotohan ito’y napakadali kung susundin ang mga simpleng panuntunan. Tulad ng sa gravel, lagi gumamit lamang ng hanggan 2 sentimetro taas. Ang pangkaraniwang paghuhukay ng isda ( lalo ang mga catfish) ay maiiwansan ang pagsiksik at pananatili ng buhangin sa isang lugar. Maari din kaunting idaloy ang daliri sa buhangin para makatulong sa banayad na paggalaw ng buhangin. Laging ilagay ang pilter inlet na may tatlong pulgada ang taas mula sa buhangin upang hindi ito mahigop ng pilter. Ang tutuong natural na hitsura ay makakamit sa paghahalo ng ibat-ibang uri ng subtrate. Tulad ng Sand, gravel at peebles.
May ilang uri ng buhangin na may kakayahan baguhin ang kalalagayan ng inyong tubig sa aquarium. Tulad ng Calcium Carbonate na produkto na Coral Sand ay nagagawang gawin higit na hard alkaline at itinataas ang level ng Ph ng tubig. Hindi ito kailangan maliban kung nais mo mag alaga ng isda na nangangailangan ng ganitong klase ng tubig tulad ng
Bogwood (Driftwood) ang nananatiling paborito ng mga nag-aalaga ng isda. Ang pinaka madaling paraan magkaroon ng driftwood ay ang bumili sa mga fish store. Subalit may kamahalan. Kung magkakabit ng driftwood sa inyong aquarium makabubuting ito’y pakuluan para mapatay ang mga fungus. Makabubuti rin ilubog sa tubig ang driftwood sa loob ng dalawang linggo upang maiwasan ang sobrang paglabas ng Tannin ( brown stain naturaly release by wood). Subalit kahit ituloy ilubog sa tubig ng matagal patuloy ito maglalabas ng tannin pero sa mababang grado na lamang. Ang tannin ay hindi delikado sa isda at pede rin maiwasan sa pamamagitan ng paglalagay ng carbon sa pilter.
Rocks and Stones ay napakahalaga sa pagdedesenyo ng aquarium at ang kahalitulad na payo sa sand ay ginagamit para maiwasan ang pagbago sa kalidad ng inyong tubig.
Iwasan lamang ang pag gamit ng bato na matutulis ang gilid upang maiwasan ang pagkasugat ng mga isda.
Live Plants (Buhay na Halaman) ang paksa sa aquarium plant ay nangangailangan ng masusing pagtalakay higit sa bagay na kayang ibahagi ng artikulong ito. Subalit gusto kong tukuyin ang mga maling bagay na kadalasan nagagawa ng ibang nag-aalaga ng isda. Dapat na isipin na ang halaman ay higit na mahirap alagaan kaysa sa isda. Subalit sa munting atensyon maari mo makamit ang bunga ng iyong pagpapagod. Ang mga taong mahilig sa halaman ay gumagastos ng sobra para sa Undergravel heating cables, Pressurized Co2 o sa matatas na uri ng ilaw tulad ng Metal Halide Lighting. Ang ganitong mahal na uri na paggayak ay madalas na natatapos sa isang napakagandang resulta na makikita at mababasa sa mga libro at magazine. Subalit kakaunti ang payo para naman makatulong sa mga taong may kakaunting panggastos.
Ang subtrate ay malimit na nakakaligtaan ang halaga sa halaman. Madalas ang subtrate ay sobrang mababaw kung saan napipigilan ang ugat ng halaman sa kanyang pagyabong. Subukan ang buhangin (aquarium sand) o fine gravel (2-3mm) at may kapal na 10 sentimentro para sa maayang pag-uugat.
Batid na ang ilaw ay mahalaga sa halaman para sa tinatawag na photosynthesis. Sa pangkalahatan salita, ang malakas na ilaw ay mas mabuti sa halaman. Ang pag gamit ng dalawang Fluorescent Tubes ay may malaking pagkakaiba sa isang tubes lamang. Ang pagbili ng mumurahin tubes reflector ay makatutulong at higit na epektibo sa pagdagdag ng liwanag sa inyon ilaw. Ang makabagong klase ng ilaw na T5 ay makakadagdag liwanag at kagaangan sa inyong budget, subalit laging tatandaan bilhin lamang ang ilaw na dinesenyo para sa halaman. Ang pagbubukas ng ilaw sa loob ng 10 hanggan 12 oras ay makapagbibigay ng mas magandang resulta para sa halaman. Alalahanin bawasan ito kung nagkakaroon ng paglago sa lumot (algae problem) (sundan sa ibang paksa). Ang pagkakabit ng Mechanical timer sa ilaw ay makatutulong para mabigyan ang halaman ng panatag na kapaligiran.
Ang isa pang mahalagang bagay para sa halaman ay ang Carbon Dioxide (Co2). Kaalinsabay ng kakulangan sa liwanag ang pagkakulang sa carbon dioxide ay naglilimita din sa halaman para yumabong sa aquarium. Ang tubig ay kulang ang kapasidad para magpanatili ng carbon dioxide. Kaya marami sa nag-aalaga ng isda (aquarist) ay gumagamit ng pressurized dosing o kaya ang yeast fermentation system. Mauunawan na ang ganitong makabagong pamamaraan ay hindi tanggap ng maraming aquarist. Manapa ang kaunting pag adjust sa inyong pilter ay makatutulong na mapalakas ng sapat sa carbon dioxide para magkaroon ng pagkakaiba. Kapag nagkakaroon ng paggalaw sa ibabaw ng tubig, ang carbon dioxide ay nakakakawala sa hangin. Sa pag-alis ng spraybar o airstone para mabawasan ang paggalaw ng tubig sa ibabaw ay makakatulong.mabawasan ang nawawalang carbon dioxide duon napapabuti ang kalagayan ng halaman. Lagi lamang tandaan na sa ganitong pamamaraan ay nababawasan ang hagin sa tubig (oxygen) kaya iwasan ang pag-aalaga ng isdang nangangailangan ng mataas na lebel ng oxygen tulad ng pleco
Ang pagpili ng halaman ay kadalasan naka batay sa pansariling pag gusto. Subalit hindi lahat ng maganda ay yumayabong. Marami ang walang malay na bumibili ng pangkalupaan o panglawa na halaman (tulad ng Dracaena sp.) mula sa mga aquatic store. At madalas ito ay may maikling buhay sa ilalim ng tubig. Bumili lamang ng tunay na halaman pantubig. Ang pagbabasa ng libro at ang pagsasanay ang isang mabuting paraan upang mahanap ang halamang yayabong sa inyong aquarium. Sa ilalim ay listahan ng mga halaman pwedeng gamitin sa pangkaraniwang aquarium.
Sciencetipikong Pangalan :
Anubius sp.
Cryptocoryne wendtii
Vallis (Vallisneria sp.)
Hygrophila polysperma
Java fern (Microsorum pteropus)
Red amazon sword (Echinodorus osiris)
Ang Anubius sp. at Java fern sa partikular ay mabuting gamitin dahil ito’y hindi maselan ay higit na maganda para sa aquarium. Pareho sila ay maaring ikapit sa bogwood (driftwood) ng plastic wire kaysa paugatin sa gravel. Dahil dito ay hind ka na mangangailangan ng makapal na layer ng gravel o buhangin. Higit pa sa ito’y hindi nangangailangan ng malakas na ilaw at matibay pa sa kahit anong uri ng isda.
Kapag bibili ng halaman palaging ituring ang halaman ay parang isda na kailangan din dahan dahan sanayin muna sa tubig na pagkakabitan lalo na kung ang iyong tubig ay iba sa kalidad ng tubig sa plant store.
Pagkakabit ng isda sa Aquarium
Pagpili (Choosing)
Sa marami, ang pagpili at pagbili ng isda ang pinaka nakakaaliw na parte sa hobby. Subalit nakakalungkot na marami ang bumibili ng isda na hindi lapat sa ayos ng kanilang aquarium.Ito ay kadalasan sa pabigla-bigla pagbili, kakulangan sa kaalaman o kadalasan ay sa maling pagpayo ng nagtitinda. Maraming nagtitinda ang magaling subalit marami ang kulang sa pagpayo. Makabubuti ang paghingi ng ikalawang payo o kaya ang pagbabasa sa internet, sa mga fish forum bago bumili.
Tulad ng nasabi, bumili lamang ng isda na aakma sa kalidad ng inyong tubig, Water hardness (dami ng mineral sa inyong tubig) at Ph (antas ng acid/alkaline sa tubig) ito ang dalawang bagay na dapat alalahanin. Kapag ang tindahan ay malapit sa inyo, maaring mayroon kayo ng parehong uri ng tubig. Ang isda ay maaring sanay na sa uri ng inyong tubig. (acclimation- ang pagsanay sa isda sa uri ng tubig) (sundan sa ibang paksa).
Ang dami ng isda ng ikakabit sa inyong aquarium ang higit na dapat talakayin. Meron parabula na “ang isda ay lumalaki lamang sa sukat ng kanyang tinitirahan”. Ito ay tunay na parabula lamang subalit may aspeto ng katotohan. Sa isang tanke na may sobrang dami ng isda, kadalasan ang Nitrate ay mataas, nagreresulta ng mahinang at mabagal na paglaki sa isda. Ang Nitrate ay nadudulot din sa isda ng paghina ng immune system na nagtutuloy sa pagkakasakit. Kaya ang sobrang dami ng isda ay hindi mabuting ideya. Makabubuting planuhin ang paglaki ng isda ayon sa kanyang natural na kaanyuan.
Sa katotohan, ang lebel na dami ng isda ay nalilimitahan sa mga sumusunod na panuntunan:
Dami ng Hangin sa Tubig (Amount of Oxygen available)
Konsentrasyon ng Nitrates (Concentration of Nitrates)
Epektibo ng Piltrasyon (Effectiveness of Filtration)
Pag-aaway ng Isda (Aggression between fish)
Kakayanan sa pagkawala ng suporta sa kagamitan (Capacity to cope with equipment failure/powercut)
Kakayanan ng Isdang lumaki (Potential of fish to grow)
Ang dalawang pulgada kada isang galon ng tubig na panuntunan ay mabuti, subalit sa huli, ang dami ng isda ay naka-ayon pa rin sa naunang panuntunan. Ang pagpili ng klase ng isdang aalagaan ay mahalagang aspeto. Tulad ng isang anin na pulgada (6”) Oscar fish ay higit na mas malakas dumumi kaya nangangailangan ng mas malaking espasyo kumpara sa isang anim na pulgada (6”) Twig catfish.
Maaaring palakasin ang suplay ng hangin sa tubig (oxygen) sa paggamit ng Airstone o Spraybar para magkaroon ng paggalaw sa ibabaw ng tubig. Posibleng pahinain ang Nitrate sa pamamagitan ng regular na kaunting pagpapalit ng tubig (regular partial water change). Mahahayaan sa pinakamataas na konsentrasyon ang Nitrate sa antas na 50mg/l, subalit tandaan may mga isda na hindi kinakaya ang ganitong taas na lebel ng Nitrate.Makabubuting panatilhin sa mababang antas lamang ang lebel ng Nitrate hanggat maaari. Higit na epektibo ang piltrasyon kung gagamit ng mas malaki sa kinakailangan.
Kung may agam-agam maaaring magsaliksik sa Internet at maglahad ng mga katanungan sa mga fish forum.
Pagpapakain (Feeding)
Ang pangkaraniwan dahilan ng pagkamatay ng isda ay ang sobrang pagpapakain. Mas higit na madaling patayin ang isda sa sobrang pagpapakain kaysa huwag pakainin. Marami sa mga nakakalayang isda ay natural na humahanap ng makakain na kung saan ang pagkain ay madalas na pana-panahon o panandalian lamang. Sa Aquarium, kapag sila ay pinakain ng sobra maaring may matira na hindi makain o kaya ay idumi ng isda na hindi natunaw. Ang mga nabibiling pinatuyong pagkain (dried foods) ay kadalasan mayaman sa protina at maaaring mabilis na maging mapanganib sa dami ng taglay na Ammonia kung ito’y nanatili sa tanke at hindi kayanin alisin agad ng pilter.
Mahirap sabihin kung gaano kadami ang dapat na pagkaing ibibigay sa bawat partikular subalit makabubuti ang kakaunti na madalas kaysa ang miminsang mrami. Ang mataas na antas ng Nitrate ay namumula sa mga naiiwang pagkain sa loob ng tanke.
Tulad ng sa tao, ang pag-iba-iba ng pagkain ay nakabubuti. Mahirap tularan ang natural na pagkain ng isda sa kalikasan subalit ang pagbibigay ng ibat-ibang uri ng pagkain ay maaring asahan upang sapatan ang kakulangan. Sa pagsasaliksik ukol sa inyong alaga isda ay malalaman kung anong pagkain ang nararapat ditto. Maraming paksa sa Internet ang pwedeng mapag –aralan ukol sa inyong alaga.
Ang kombinasyon ng Frozen, Dried food at mga Gulay ay mapapanatili ang kalusugan ng inyong isda. Obserbahan ang inyong isda at tiyaking lahat ay nakakakain ng mabuti lalo na ang mga Nocturnal catfish (isda sa gabi naghahanap ng pagkain). Makabubuting salain ng fishnet ang mga naiwan pagkain upang hindi ito mabulok sa loob ng tanke.
Pag-Aalaga ng Aquarium (Aquarium Maintenance)
Kung nais na ang inyong aquarium ay maging kaaya-aya, kailangan nito ang mabuting pag-aalaga at masusing atensyon. Mas marami ang isda mas kailangan ang mas madalas at mas regular na pagpapalit ng tubig (frequent partial water change). Ang pagpapalit ng tubig ay kinakailangan upang pahinain ang pagdami ng dumi sa tanke araw-araw at mapalitan ang proteksyon nagpapanatili sa kapanatagan ng Ph ng tubig.
Ang mabuting barometro ay ang pagpapalit ng 25% ng tubig sa tanke kada isang lingo. Siguruhin ang pag-alis ng dumi (fish muck) sa gravel/sand hanggat posible dahil maaari itong maipon at maging sanhi ng pag-destabila ng Ph sa tubig. Mabilis na linisin ang Filtermedia (foam, ceramic etc..) kung may pagkonti sa paglabas ng tubig mula sa Filter output. Lagi tatandaan gumamit lamang ang tubig na inalis sa tanke sa paglinis ng media dahil ang tubig mula sa suplay (tapwater) ay may taglay na chlorine na pwedeng pumatay sa beneficial bacteria na namamahay sa inyong filter media.
Algae (Lumot)
Isa sa bagay na nagpapahirap sa nag-aalaga ng isda sa aquarium. Hindi mo maaalis ang lahat ng mga ito at hindi mo lalong gugustuhin alisin lahat ito dahil nakabubuti ang sapat na bilang nito sa tanke. Kung ang Algae ay nagsimula ng balutan ang salamin, dekorasyon at halaman duon na ito nagiging problema.
Ang kahulihan magiging aksyon ay ang magkabit ng Algicide (nabibili naka-botelya). Subalit hindi nito natutugunan ang higit na pinagmumulan ng problema na siyang simula sa pagkukulang ng hangin sa tubig (oxygen) kapag ang algae ay namatay. Isa pang pangkaraniwang problema sa algae ay ang pagkakabit ng fish algae eater tulad ng bristlenose pleco. Muli, hindi nito natutugunan ang tunay na ugat ng problema sa algae at sa ibang pagkakataon, sa pagdagdag ng isda ay mas lalong lumalala ang problema. Itong ganitong mga isda ay madalas na mapili lang sa kinakain na uri ng algae. Kadalasan ay yung Soft brown at soft green uri ng algae lang ang kanilang kinakain. At pag nawala na itong mga uri na ito ay mapapalitan lamang ng hindi nakakain.
Ang Algae ay lumalago kadalasan ay sa sobrang Nutrient at sa sobrang taas ng antas ng liwanag mula sa ilaw. Ang Nitrates at Phosphate ay napakalas na fertilizers, at kung ito ay hindi masusubaybayan sa regular na pagpapalit ng tubig dito na nagmumula ang pagdami at paglago ng algae. Kung ang inyong suplay na tubig (tapwater) ay mayaman sa Nitrates at Phosphate at makabubuting gumamit ng Purified water (RO-Reverse Osmosis).
Ang pagbabawas ng oras ng ilaw sa tanke ay makatutulong at ang pag iwas sa direktang liwanag ng araw na tumama sa tanke. Ang pagpapalit ng ilaw at nakatutulong din dahil ng ilaw ay humihina ang kalidad ng liwanag sa loob ng isang taon at lumilikha lamang ng liwanag pabor sa algae. At ang isa pang payo ay ang pagkakabit ng fresh bogwood (driftwood) dahil ang brown stain mula sa tannin na nilalabas nito ay nagpapahina sa liwanag ng ilaw para sa algae. At kaalinsabay ang karagdagan sa dami ng pagpapalit sa tubig ay siguradong maiiwasan ang pagbalik ng algae.
Ine-enganyo ang pag-aalaga at pagpapalago ng halaman dahil itoy makakatulong para malabanan sa pag-agaw ng nutrient at liwanag.
Sakit (Disease)
Ang paksa para sa sakit ay nangangailangan ng pansariling artikulo. Ngunit dito ay ipapaliwanag ko ang ilan sa mga pangunahin “dapat at hindi dapat” (do’s and don’ts) kahit ang magagaling aquarist sa ilang pagkakataon ay nakararanas ng kalamidad sa kanilang mga alagang isda, subalit kung bibigyan ng sapat na pagtugon ito ay hindi magiging kalamidad.
Ang unang mahalagang paraan para maiwasan ang sakit ay ang paglalagay sa gamutang tanke (quarantine tank.) Ilagay dito ang bagong biling alagang isda sa loob ng tatlong lingo. Mas masusubaybayan ninyo at mabilis na magagamot kung mayron mang sakit. At makaka akma sa inyong tubig ang iyong isda ng payapa.
Samantala, karamihan sa tindahan ng isda (fish store) ay sinisubukan ang lahat upang malimitahan ang sakit. Ngunit ito’y inaasahan dahil sa dami ng alaga, mabilis na pagpapasalin-salin at pag-aaway ng mga isda. Ilan sa sakit ay nakukuha sa bawat panahon. Obserbahan ang bagong biling isda sa loob ng ilan lingo dahil sa panahong ito lumalabas ang sakit.
Kung may duda sa inyong isda na itong hindi umaaktong normal, hindi kumain at mayroon pagbabago sa kanyang kalikasan, ang unang dapat gawin ay alamin ang problema at ang posibleng sakit. Marami ang mabilis na nagdududa sa sakit at nagmamadaling pumupunta sa fish store para bumili ng nakabotelyang gamot. Hindi pinapalawak ng sapat na ang gamot kemikal at gagamitin lamang kung ikaw ay walang pagdududa sa sakit na gagamutin. Sa agresibong pagtugon sa paggamot, mas higit na mapapalala kaysa mapabuti dahil ang ibang gamot kemikal ay nakapagdudulot lamang ng hindi maganda sa isda at posibleng mapatay ang bakterya sa pilter at maaring hindi rin matugunan ang ugat ng problema. Sa maraming pagkakataon, ang madalasan pagpapalit ng tubig, paglilinis ng tanke at paglimita sa pagkain ay sapat na para sa immune system ng isda gawin ang kaukulan. Huwag maghalo-halo ng magkakaibang gamot na gagamitin dahil hindi makakasiguro sa magiging epekto nito sa isda.
Ang mga fish forum sa Internet ang pinakamabuting lugar para sa mahahalagang impormasyong kailangan. Basta maglakip ng malinaw na litrato at ibigay ang sapat na detalye ng sintomas. Kapag batid na ang sakit at saka gumawa ng hakbang para sa kaukulang gamutan. Kung ang sakit ay hindi nakakahawa, mas makabubuti ilagay ito sa hiwalay na tanke (hospital tank) at duon gamutin.
Ang pangkaraniwan sakit na nararanasan ay ang Whitespot (ich). Ang sakit na ito ay Paracitic Protozoan tulad sa butil ng asukal na lumalabas sa balat at palikpik ng isda. Ang parasite ay presente sa paligid, fish store at aquarium sa bahay. Ito ay kapag ang isda ay balisa at mahina saka tinatalo ng sakit ang immune system ng isda. Kung maagang mahuli ang sakit ito ay maaring talunin sa pamamagitan ng pagtataas ng temperature 30°C (86°F) o higit pa sa loob ng tatlong araw. Ang antas ng temperaturang ito ay nagpapabilis ang pag-inog ng kanyang buhay para maabot ang natural na pinaka delikado sa kanyang lebel. Hayaan ang ganitong temperature sa loob ng dalawang lingo tandaan lang na mayron lamang kakauntin lusaw na hangin sa tubig (dissolve oxygen) sa ganitong kataas na temperature kaya makabubuting taasan ang antas ng aeration ng tubig sa pamamagitan ng pagdagdag ng airstone at spraybar. Huwag subukan ang ganitong kataas na temperature kung ang uring ng inyong isda ay hindi kakayanin ang antas na ito.
At laging tatandan. “Prevention is better than cure” walang papalit sa maayos na pagpapakain at malinis na tubig upang mapanatili ang inyong isda sa mataas na antas ng kalusugan. Kung magkaroon ng kalamidad sa inyong tanke, tanungin ang sarili kung bakit.at paano? suriin ang kalidad ng tubig at saka harapin ang pinamulang dahilan.
Posted by SHOKOY DOTCOM. Posted In : fishkeeping